Thursday, March 5, 2020

Sa Lilim ng mga Makopa

Lilim ng mga Makopa[baguhin | baguhin ang batayan]


Makopa ang bunga. Paborito ko.
Ako po si Viktor "Nonong" Emmanuel Medrano Medrano, isang Pilipinong nakatira sa Kanada. Nagtagal ako sa Hapon. Tagalog ang katutubong wika ko. Medyo nakakabasa ako ng ilang wikang Latino bilang ang KastilaPortugesPransesItalyano, at Katalan, at ng wikang Hapones. Kaunting natutunan ko ang iba pang mga wikang Asyano bilang ang MandarinKantonesKoreanoTaylandes, at Byetnames. Interesado rin ako sa mga wikang indiheno bilang ang NahuatlHaida, at Inuktitut. Malimit akong mag-Ingles.
Natutuwa ako sa mga wikang guni-guning LojbanEsperanto, at Interlingua. Sa mga wikang ito ko napapansin ang espiritwalidad. Ang Naranghang Pangarap ko ay gumawa ng wikang guni-guning Oryental na mas malawak sa natural. (Mayroon na akong prototipong ang tawag ay Vling, wikang parang anak-anakan ko.) Kung minsan sa mga animeng pinanunuod ko ay may mga inimbentong sulat-sulat na Oryental. Ang Ubeng Pangarap naman ay ang Lojban, wikang komprehensibo at lohiko ang gramatika at may nakakatuwang ponolohiya. 
Sang-ayon ako sa AghamBudismo, at Animismo. Mahilig ako sa kosmolohiya, magbiyahe, pagkain, kalikasan, animewikang guni-guni, at siyensiyang piksiyon. Bahaghari ang naging buhay ko.
Nasasarapan akong uminom ng tsaang mabula. Mahilig akong kumain ng tokwa. Ang mga paborito kong prutas ay ang pakwandurianmakopaume, at langka. Sa lutuing Pilipino, paborito ko ang kaldereta at laing. Sa matamis, gusto ko ang ube halayaespasol, at nata de coco.
Nararamdaman ko ang espiritwalidad sa kalikasan, parte ng kosmolohiyang mas malawak sa astronomiya. Ang okupasyon ko sa pangarap ay maging eksobiyolohista o astrobiyolohista. Naniniwala ako sa buhay sa labas ng Tiyera.

Viktor Medrano, Isla Lulu, 2014-06-20

Viktor Medrano, UBC, 2016-06-25
Sa mundong ito, bumisita na ako sa AlemanyaAwstriyaBatikanoBelhika(daan ng tren), BritanyaEhiptoEspanyaGresyaIndonesiaItalyaLiechtensteinMarwekosMeksikoNederlandsPortugalPransiyaSinggapurSuwisaTaylandiyaTimog KoreaTsina, at Turkiya. Tumira na ako sa Estados UnidosHaponKanada, at Pilipinas na pinanganak ako. Gusto ko pang marating ang AwstralyaBrasilByetnamGuatemalaMadagaskarPinlandiyaPranses na GuianaPranses na PolinesyaSri LankaSuwesyaTanzaniaTimog Aprika, at Uruguay. (Nakita ko na naman ang mga itong bansa sa pananaw nang satelayt.)
Sina Olaf Stapledon, Larry Niven, Isaac Asimov, Piers Anthony, Samuel Delany, Ursula K. Le Guin, at Arthur C. Clarke ang kasali sa mga paborito kong manunulat. Mahilig ako sa piksiyong espekulatibong kabilang ang siyensiyang piksiyon at pantasya. Nadidiskubre ko ang espiritwalidad sa binabasa ko.
Ang mga lahi kong etnikong alam ko ay Pilipino, Kastila, Intsik, Griyego, Portuges, at Hudyo. Ang edukasyon ko ay sa unibersidad na UBC sa Inhinyeriyang Pangkimika at Agham Pangkompyuter na tinapos ko nang Batsilyer noong 1989.
Maligayang pagdating!

No comments:

Post a Comment